Lumikha ng iyong sariling mga laro

GDevelop software na gumagawa ng laro - lumikha ng mga bidyo na mga laro nang walang pagko-code

Ang GDevelop ay isang open-source, cross-platform na panglikha ng laro na sadyang ginawa upang magamit ng lahat - hindi nangangailangan ng kakayanan sa pagpro-program.

Lumikha ng anumang laro

Paganahin ang iyong pagiging malikhain gamit ang GDevelop at lumikha ng anumang uri ng laro: mga platformer, mga palaisipan, shoot 'em up, estratehiya, 8-bit na mga laro... tingnan ang mga halimbawa o mag-umpisa ng isang bagong proyekto mula sa wala.

Gamit ang GDevelop, maaari kang gumawa ng payak na mga proyekto para maaliw o lumikha ng ambisyosong mga indie na laro tulad ng HELLO EARTH ni Lil BUB, Hyperspace na mga Dogfight at marami pang ibang mga laro!

Mga Event - paglikha ng laro para sa lahat

Kaya natatangi at napakadaling gamitin ng GDevelop ay dahil sa mga event. Ang mga event ay isang makapangyarihang paraan upang ihayag ang lohika ng iyong laro, nang hindi nangangailangan na matutunan ang lenggwahe ng pagpro-program.

Pinapadali ng mga event ang paglikha ng laro

Kapag ang Space ay pinindot, ang animasyon ng tauhan at ang isang tunog ay papatugtugin. Kung ang isang bomba ay nadampi ang tauhan, ang dalawa ay mawawasak.

I-export ang iyong laro sa isang klik

Ilathala ang iyong mga laro sa web, iOS, Android, Windows, Mac, Linux, at kahit Facebook Messenger. Ang mga larong nilikha sa pamamagitan ng GDevelop ay tumatakbo kahit saan at maari ka pang gumawa ng isang-klik na pag-export sa Android mula sa app.

Gumawa ng mga laro para sa iOS, Android, Windows, MacOS, at Linux

Walang-hanggang mga posibilidad

Express your ideas without being blocked: you can prototype new features on your games in minutes, and refine them without limits. Making games has never been as easy as assembling your ideas with the visual editors provided by GDevelop. Nais mo bang marating ang higit pa? Maaari mong pag-ibayuhin ang engine ng laro gamit ang Javascript.

Tingnan kung paano magdagdag ng isang gatilyong pindutan sa iyong platformer na laro sa loob ng 90 na mga segundo

Mag-umpisa sa mga tutorial

Alamin nang step-by-step kung paano gamitin ang GDevelop o kumuha ng tulong tungkol sa isang partikular na tampok: ang wiki ay may mga tutorial para sa mga nag-uumpisa pa lang at isang kumpletong dokumentasyon para sa software. Napakaraming mga halimbawa rin ang magagamit at handa upang subukan sa isang klik.

Mga tutorial para sa GDevelop at dokumentasyon sa wiki

Start making games

Wariin at ilathala ang iyong mga laro sa GDevelop. Kasama ang mga tutorial at mga halimbawa.

Ang GDevelop ay isang open-source na panglikha ng laro. Maaari itong gamitin ninuman upang makalikha ng anumang uri ng 2D na mga laro.

Ang GDevelop ay ginawa na may pagmamahal ni Florian Rival

Salamat sa mga mga nag-ambag sino ang nagdagdag ng mga tampok, umayos ng mga bug, nagpadala ng mga bagong halimbawa, at tumulong sa komunidad.